Municipal Vice Mayor
HON FRANKLIN J REYES

WOW DIPACULAO!

Maligayang Paglalakbay po sa natatagong Paraiso sa Bayan ng Dipaculao.

Mga minamahal naming adbunturero. Halina’t pasyalan ang mga bagong bukas na likas na tanawin at magagandang pasyalan. Ang aming lugar ay ligtas at mapayapa sa tulong po ng nagkakaisang mamayan nd Dipaculaeños na may mabubuting asal. Ang dayalektong Ilokano ang pangunahing ginagamit sa aming lugar at kinikilala po ang tatlong tribu ng Ilongot, Dumagat at Igorot. Ang aming pangunahing hanapbuhay ay pagtatanim ng palay, mais, saging at niyog. Sagana po dito ang iba’t- ibang uri ng yamang dagat. Merong white sand, cove at gasangan na matatagpuan sa Brgy. Dinadiawan; rock beach sa Brgy. Mijares at Brgy. Gupa; surfing area sa Brgy. Lipit at Brgy. Ipil.

Ang inyong pagbisita sa aming lugar ay tiyak na iuuwi ninyong magandang ala-ala.

Maligayang pamamasyal!


Information:

BIRTHDATE:July 14, 1972
EDUCATIONAL BACKGROUND:Araullo University – Bachelor of Science in Civil Engineering
COMMITEE CHAIRMANSHIP:Committee as a Whole
TERM:Councilor: 2007-2013
Vice Mayor: 2019- Present
Media

Photo Galleries

SB OFFICIAL FACEBOOK PAGE