Civil Registration Month Celebration
(by Thess D. Viloria  2/24/2014)

ANG PAGDIRIWANG NG IKA-83 PAGKAKATATAG NG TALAANG SIBIL

Ang tanggapan ng talaang sibil o Civil Registrar’s Office ng Bayang
Dipaculao ay kasalukuyang nagdiriwang ng ika-83rd Civil Registration Anniversary na pinasisinayaan sa buong bansa kada taon. Bilang bahagi ng pagdiriwang ang tanggapan ay magsasagawa ng iba’t-ibang aktibidad tulad ng libreng pagpaparehistro ng births, marriages and deaths sa buong buwan ng Pebrero alinsunod na rin sa Municipal Ordinance no. 2011- 1 na naglalayong magbigay ng pagkakataon sa mga mamamayan ng Dipaculao na magparehistro ng walang bayad.

Nakibahagi rin ang mga kabataang mag-aaral sa pagdiriwang, dahil noong nakaraang ika-11 ng Pebrero, 2014 ay nagsagawa ng Painting Contest tampok ang mga piling estudyante ng iba’t ibang paraalang pangsekondarya. Gamit ang Illustration board at oil pastel, sila ay nagpaligsahan sa pagpinta halaw sa paksang “ ikaw at ako, tungo sa wastong pagrerehistro” Ang mga nanalo ay nakatanggap ng medal, certificate of recognition at cash prize mula sa Punong Bayan Reynante A. Tolentino.

Ang iba pang aktibidad sa buwang ito ng talaang sibil ay libreng pamamahagi ng rehistro na ginanap noong ika 24 ng Pebrero , mobile registration sa ilang piling barangay tulad ng Barangay Ditale at Barangay Sapangkawayan, pagdidisplay ng tarpaulin sa mga pampublikong lugar, at info campaign tulad ng symposium upang mapalaganap ang kahalagahan ng pagrerehistro sa ating mga mamamayan.

Nagtakda na rin ng Kasalang Bayan na siyang pinakatampok ng selebrasyon sa pangunguna ng ating Punong Bayan. Ito ay gaganapin sa ika -27 ng Pebrero, 2014 alas 2:00ng hapon sa Municipal Aphitheather. (Thess D. Viloria, OIC-Municipal Civil Registrar)





See more News